Nawawalan ka na ba ng pag-asa sa mga pagsubok na dumarating sa iyong buhay?Yung mga bagay na hindi mo napagtatagumpayan?nakakatulog ka pa ba ng maayos sa kakaisip sa iyong mga problema?napagtutuunan mo pa ba ng pansin ang mga mahahalagang gawain mo sa buhay?Kung ganon eh, hindi ka pala pwedeng maging superhero tulad ng mga cast ng justice league o super noypi.



Wala naman tayong super strength na mabuhat ang mabibigat na problema, Mayroon naman tayong patience para makapaghintay na maayos ang lahat. Hindi natin kayang maging invisible para lang takasan ang mga bagay na dapat isino solve. "What is unseen is essential" hindi kailangang lahat ay nakikita dapat ay iniintindi muna. Hindi mo kailangan ng pakpak upang makapagmataas na ika'y nakakalipad , Bagkus kailangan mong magpakababa para sa kapatawaran. Hindi tayo binigyan ng pagsubok para indain lamang, binigay ito upang magkaroon ng kalinangan sa ating kakayahan.

Tuesday, August 17, 2010

SWINGS IN FREINDSHIP ni claudette alexa tiongson


Moody ba yung bestfriend mo?Yung tipong iniisnab ka nya pag kinakausap mo, Na sa tuwing wala sya sa mood eh iba iba yung ipinapakita nyang feelings. Minsan masungit, minsan mabait. Paano nalang kung naging matampuhin sya ng dahil sa hindi mo sya naiiintindiahn?susuko ka na lang ba?O ipaglalaban mo pa rin yung forever sa katagang bestfriends forever?
Super affected ka na sa ganitong ugali ni bestfriend, Pero extended pa rin yung patience mo sa kanya. May mga tao talaga na sadyang moody na napupunta sa pagiging matampuhin. Subukan mong banggain ang halamang makahiya, magtatampo ito sa pamamagiatn ng pagsasara ng kanyang mga dahon. Bawat tao ay may degree of emotions, maaaring mababa lamang yung degree of emotions nung mga taong moody kaya madaling nagpapalit ang kanilang feeilngs. Moodswings nga ang tawag doon.
Kung marunong kang rumespeto sa iba’t ibang personalidad, hindi ka mahihirapang magbura ng bad days sa iyong diary.”Friendship is easy to build but when it breaks, it is hard to find a new one.” Hindi masisira nag isang samahan kung magiging mababaw ka. Kahit ano pang moodswings ang ipakita sayo ni bestfriend, stay cool ka lang. As long as nagkakasundo pa rin kayo, go lang bestfriends forever pa rin ang drama.

LOYAL KA BA? Ni gemelyn angco


Kaya ba ng powers mo ang mga flirt na girlfriend?
Ano nga ba ang flirt o sa ibang salita ay landi o paglalandi? Ano ba ang naiisip mo kapag naririnig mo ang salitang ito? Karamihan sa atin ay negatibo agad ang pumapasok sa isip kapag naririnig natin ang mga salitang iyon.

Ang “flirting” o “pakikipaglandian” sa ibang salita ay nangangahulugang uri ng interaksyon sa pagitan nang dalawang taong may pagtingin sa isa’t isa o kaya ay isang uri ng istilo para bumalik ang init sa mga nanlalamig na relasyon ng mga mag-asawa o magkasintahan. Ngunit sa panahon natin ngayon, maraming tao ang ginagamit ito sa maling paraan o para lamang sa pansariling pangangailangan.
Maaring ang mga layunin na ito ay para lang sa tawag ng laman o para mangolekta lamang ng boyfriend/girlfriend. Akala yata nila eh makokolekta nila ang lahat ng lalake/babae dito sa sanlibutan. Isa pa rito na dahilan ay maaring desperado/desperado lang ang mga taong gumagawa nito at likas nang may taglay na kalandian sa katawan, yung tipong hindi makukuntento sa kung anung mayroon sila, yung kahit may bf/gf na sila ay lumalandi pa rin sa iba. Maari din naman na nagkakaroon lamang nang hindi pagkakaintindihan, dahil siguro ay likas nang malambing ang taon at masyado lang binibigyang kahulugan kaya ang iniisip na nila ay nilalandi sila.

Sus! Wala naming masama sa flirting eh! Basta ba walang nasasagasaan o na aagrabyadong iba. At hindi mo ba naisip na na maaring ikaw mismo na ipinanganak dito sa mundo ay bunga lang nang isang relasyon na nagsimula sa simpleng flirting ng mga magulang mo? Ah! Basta ang alam ko malakas talaga ang epekto ng flirting, kaya mga iho at iha, use it with caution din!

NAGGER SI INAY ni renielyn reyes


Madalas ka bang bungangaan ng nanay mo? Lagi na lang pasigaw makipagusap? Parang armalite ang bibig? Walang duda, nagger si nanay!
Ano nga ba ang nagger? Ito'y salitang Ingles na ang kahulugan ay nakakairita, sunod-sunod na sermon o reklamo. Isa itong ugali na natural na sa ta. Maari itong namana, nagaya, o di kaya dala ng bugso ng damdamin.
Masasabing nakakainis ang taong my ganitong ugali dahil wala naman itong naidudulot na maganda. Sa katunayan, lagi itong humahantong sa
away o samaan ng loob.
"Hinayupak kang bata ka, anung oras na? Nakahiga ka pa dyan! Batugan ka! Tanghali na!" ilan lang ito sa mmga linya ng nagger nanay. Talak sa umaga, tanghali, at gabi. Kung minsan pa nga ay kahit maliit na bagay ay pinupuna. At kung mamalasin, may kasama pa itong palo o batok sa ulo.
Mahirap talaga kung ito ang sasalubong sa iyong umaga.Stress ka nanga sa problema, dagdagan pa ang ganitong eksena. Ngunit naisip mo bang may kasalanan din tayo kung bakit sila ganito? Sabi nga nila, "we only get what we deserve". Kumbaga tayo din ang nagudyok para gawin nila ito. Sa makatuwid, walang gulo kung wala naman dahilan para guluhin ka.
Ngayong nabasa mo ito, nakarelate ka ba? Isa ka rin bang nagger katulad ni nanay o biktima lang nito? Alin ka man sa dalawaay dapat sigurong magsuri ka at alamin mo ang sanhi at epekto nito sa iba. Dahil hindi habang panahon kaya kang unawain ng mga tao sa paligid mo.

PASAWAY NA KAPATID ni janerish jan castro


Si Alejandro ay ang pinakapasaway sa aming magkakapatid. ‘Di lang pasaway, ngunit marami pa. Hindi lang ako kung ‘di lahat ng miyembro ng pamilya namin ay siya ang itinuturing sakit sa ulo, “ Black Sheep of the Family” siya kung tawagin sa bahay, eskwelahan man, simbahan, sa pamilya man o barkada. ‘Di ko alam ang tunay na dahilan niya bakit gano’n na lamang ang asta ng kanyang ugali, paraan lang ba niya ito para siya ay mabigyan ng pansin o natural na lang sa kanya ang pagiging sobrang pasaway niya.

Tama ba namang batukan si Mrs. Kulangkulang at sabihan ng: “Bobo, tanga, inutil mag-resign ka na! Kulangkulang ka nga talaga. Ako na papalit sa’yo.” Natural lang na magalit si Mrs. Kulangkulang kaya yun binagsak niya kapatid ko sa grade 6. Di tuloy siya nakapag-graduate at tuluyan ng napag-iwanan ng kanyang mga kaklase. Sa bahay naman, nakaugalian na niyang gumising ng tanghali, kakain, at muling bumalik sa kanyang higaan upang matulog ulit, kung gising man at wala sa kama sigurado makikita mo siya sa sala habang nanonood ng telebisyon habang nag-tetext at nag-yoyosi na parang walang problema sa buhay. Ang nakakasira pa ng ulo e yung yosing hinihithit niya sa tatay naming na limit lang kung mag-yosi. Minsan ko na nga siyang nahuling nangungupit sa ng 1000 sa wallet ni nanay eh ang sabi niya pang-yosi lang. Siyempre tanga lang ang maniniwala na pang-yosi lang iyon, dahil sa likod niya ay isang malaking bag na puno ng damit. Aba! Magsu-swimming pala kasama ang girlfriend niya. Bilang ate, ‘di ko talaga pinaglagpas ang kalokohan niyang yun. Sinumbong ko siya kay nanay, kaya yun nabigyan ng aral pero paglipas ng ilang araw eh balik na naman siya sa dati. Ang pagtulong naman sa mga gawaing bahay ay ang gawain na ni minsan ay di nya naisipan sa halip mas gugustuhin nyang tumambay sa may bilyaran na harap lang ng aming bahay kasama ang kanyang mga barkada na ginagawa nyang mga alipin at siya naman ang hari. Tuwing linggo naman, lahat kami magkakapamilya ay nagsisimba kasama ang kapatid kong sobrang pasaway. Pag-upo na pag-upo namin ay makikita mo siyang tingin ng tingin sa mga taong nagdadaan sa gilid ng simbahan, na parang di mapakali. Wala pang labing-limang minuto ang makakalipas, siguradong lalabas si Alejandro upang mag-yosi o dili naman kaya ay makikipag-meet sa katextmate niya.
It breaks my heart na ganito ang nangyayari sa kapatid ko, naging pabaya ba ang mga magulangat kapamilya naming sa kanya? Ang hirap kasi sa buhay ngayon, masyado ng modernisado.

MAKUNTENTO KA SA ISA ni jemarie hipolito


Minsan may narinig akong usapan ng ilang mga babaeng kaibigan ko. Nung panahon kasing iyon, meron kasing isang iniwan ng kaniyang boyfriend. Nambabae kasi ang loko niyang bf. At dun na lumabas ang usapan ng kesyo "Ganyan talaga ang mga lalake." "Lahat sila babaero." "Hindi ba nila naiintindihan ang nararamdaman ng mga babae?"

Ilang beses na rin akong nakarinig ng ganyang mga sentimyento. Ilang beses rin akong nakarinig ng mga argumento na "Dapat kasi maintindihan mo na kaming mga babae ay ganito at ganun..." May kakilala akong lalakeng tinukso, "Naku, parang hindi ka dumaan sa pagkabinata!!!" Tapos may kaibigan akong babae na napipigilang gawin ang gusto niyang gawin dahil "siya'y isang babae lang."

Mayroon ba talagang pagkakaiba ang lalake at babae maliban sa kanilang pisikal na katangian? Matagal na akong nahihiwagaan dito, dahil hindi ko maintindihan kung bakit mahilig mag-generalize ng mga characteristics na ia-attribute lamang sa mga lalake at pati na rin yung ia-attribute sa mga babae lang. Yung mga argument na "Men are from Mars, women are from Venus." Talaga bang may ugaling pang-lalake at may ugaling pam-babae?

Naiintindihan ko na malaking dahilan ng pagkakaroon ng ganitong pag-stereotype ay dahil na rin sa naging structure ng ating lipunan. Naging male-dominated kasi ang society, kaya't na-identify na ang power-wielding attributes sa mga lalake, at ang submissive atributes sa mga babae. Pero dahil nga sa isa itong sociological phenomenon, hindi ba't artificial lamang ang mga attribute na ito at hindi naman natural?

May kilala akong babaeng nangangaliwa. May kilala akong babaeng breadwinner ng pamilya at lalakeng magaling na maybahay. May kilala akong lalakeng umiyak dahil niloko siya ng girlfriend niya. May kilala akong lalakeng tsismoso. May kilala akong babaeng corrupt. May kilala akong businesswoman na malakas manggulang sa kanyang mga kliyente at malakas mandugas sa computation ng kanyang babayarang taxes.

Ngayon, baka sabihin niyo naman na may galit yata ako sa mga babae dahil sa mga sinasabi ko. Hindi. Sinusulat ko lang ito dahil nagpanting ang tenga ko sa isang feminist group na pinresent ang kanilang argumento sa pamamagitan ng pag-stereotype sa lahat ng mga lalake bilang manloloko, babaero at power-tripper. Totoo, marami pa ang dapat gawin para tunay na magkaroon ng pantay na estado ang mga lalake at babae sa lipunan, at suportado ko naman ang women's liberation movement. Pero para ma-liberate ng babae ang kanyang sarili sa kanyang pagkaka-stereotype, di ba't dapat ay i-liberate rin niya sa kanyang sariling utak ang kanyang pagi-stereotype sa mga lalake? Yun naman ang point ng liberation argument, di ba? Na pinapalaya natin ang ating sarili dahil tayong lahat ay pantay-pantay. Na pinapalaya natin ang ating sarili dahil ang kaya mong gawin ay kaya ko ring gawin.

Sa susunod na pagkakataong may marinig akong nagpapayo sa isang babaeng umiiyak dahil niloko siya ng kanyang boyfriend, sana di ko na marinig na "Ganyan kasi ang mga lalake, manloloko." Dahil sa totoo lang, niloko siya ng boyfriend niya dahil manloloko ang boyfriend niya. Hindi dahil lalake siya

SI BOSSING ANG KING ni marjorie duenas


Naranasan mo na bang mairita dahil sa utos dito, Utos doon ng iyong kamag-aral? Nabibingi ka na ba sa boses nilang parang hari? Naiinis ka na ba sa kanilang ugali? Alam niyo ba ang tawag sa kanila? Sila ang mga “Bossy Classmates”. Kilala din sila sa tawag na “hari ng klase”.

May iba’t ibang katangian ang mga bossy, Isa na dito ang paghahariharian nila sa klase. “Kung ano ang utos ay siyang dapat na masunod”,ito ang kanilang batas. Kung ano ang salita, Kung ano ang kanilang hiling, gusto o nais ay dapat na masunod at walang pwedeng kumontra.

Sila ay may palautos din na katangian. Kahit mga simpleng gawain lamang ay iniaasa pa sa iba. Halimbawa na lamang ay ang pag-uutos sa paggawa ng mga bagay na dapat ay sila ang gumagawa tulad ng mga takdang aralin at mga proyekto. Kadalasan ito ay humahantong na sa pang-aabuso, na halos lahat na ng bagay ay ipapagawa sa isang dakilang P.A (personal alalay/ alipin).

Ang pagiging “Papansin” ay isa pa sa karateridad ng isang hari. Ang nais nila ay lagi silang prayoridad ng bawat kamag-aral nito. Feeling naman!! Mala-Justin Bieber daw ba??? Sumasangkot sa anumang usapin sa loob at labas ng klase (chismosa ang drama). Inaalam din niya ang mga isyu mabuti man o hindi (kina-career ang pag-iinterview). Parang hari na dapat updated sa kanyang nasasakupan.

Siya (hari), Kung minsan ay umaabot din sa pagka-bayolente o kung hindi man ay pagalit ang salita at minsan nakapagsasabi pa ito ng mga salitang ‘di kanaisnais. Marahil ito ay dahil sa hindi mapagbigyan ang mga nais ay agad itong nagagalit.

Kung mapapansin niyo, Madalas ang mga mahihinang klase ng mga P.A ang pinagdidiskitahan ng mga hari ng klase. Alam naman kasi niya na walang magagawa ang isang alipin. Paraan din ito upang makuha niya ang kanyang mga gusto ng walang hirap. Hindi rin naman makakatanggi ang isang utusan sa isang amo. Ano nga bang magagawa niya???? Hindi ba’t wala????

Marami sa kanila (hari) ay kinaiinisan ng mga nasa paligid nila. Ito ay dahil na rin sa mga gawain nilang hindi katanggap tanggap. Gayunman, wala pa rin tayong magagawa sapagkat iyon ang kanilang personalidad. Mahirap ng baguhin ang isang HARI. Siya lang ang Bossing ang King!! Ikaw? Isa ka ba sa kanila? o isa ka sa mga alipin nila?

BULLY TIME IS NOT A JOKE TIME ni jaymark santos


Isa ka ba sa mga estudyanteng bumababa ang grade sa school? Naiilang ka na bang makisama sa mga kaklase mo? Umuuwi ka ba sa bahay ng luhaan,at kung minsan ay hindi makatulog sa gabi sa sobrang takot.
Maaaring biktima ka…
Umamin ka!!!may bully ka bang classmate?
Napaka hirap magkaroon ng bully classmate lalo’t kung ikaw ang madalas nyang pag-tripan.para bang araw-araw na pag-pasok mo ay isang sumpa.paano naman,madalas kang nawawalan ng baon dahil pilit nya itong kukunin sayo.uutusan ka nga na napakaraming Gawain.pag nasunod mo ang utos nya may kasamang batok ang kanyang pasasalamat,at kung hindi naman ,ihanda mo ang iyong sarili sa malakas na suntok sa iyong sikmura.minsan,di pa nakokontento,ipapahiya ka pa nya sa maraming tao.pero wala kang magawa dahil wala kang laban sa laki ng katawan nya.kayang ang iba mas pinipili nalang mag-hinto para makaiwas sa bully nyang classmate
Kaibigan…tama na ang pag-dadrama.kung gugustuhin mo napakaraming paraan para matigil na ang kasamaan ng billy mong classmate.
MAG ASTIG-ASTIGAN:
Kung pisikalan lang din naman ang pag-uusapan,tyak na dihado ka sa bully mong classmate.pero baka naman kaya mo pang iimprove yung porma mo.konteng porma lang yan! Kumbaga baka makuha sya sa tingin.
MAKISAMA SA TAONG MUKANG PALABAN:
May mga tao na kaya kang ipagtanggol kapag nag-simula nang mag-hasik ng lagim ang iyong bully classmate.sinong nakakaalam?dahil sa paraang ito hindi ka na lapitan ng iyong bully classmate dahil may tinatago pala syang kaduwagan.
SUMIPSIP KA NALANG SA IYONG BULLY CLASSMATE:
Kung ikaw naman ay sobrang desperado na dahil ikaw ang madalas mabiktima.talino at yaman lang yan.araw-arw pakopyahin mo sya ng assignment.at pag katapos dalhin mo sya sa pinaka malapit na kainan.atleast mawawala na ang sakit mo sa katawan.pero kung hindi mo naman afford,naku problema nya yan.
SUMBUNGAN TIME NALANG:
Kung nawawalan ka na ng pag asa isa nalang ang paraan,ipaalam mo nalang sa magulang mo ang problema tungkol sa bully mong classmate.pero kadalasan naman ayaw mag salita ng mga estudyante tungkol sa ganitong usapin.una,maaaring pinagbabantaan sya ng bully nyang classmate.pangalawa,ayaw nyang mapahiya sa kanyang mga kaklase lalo na kung ang magulang mo ay mala tigre kung magalit .ayaw nyang Makita ng kaklase nya ang kabagsikan ng magulang nya dahil sa sobrang galit sa bully mong classmate.pero atleast matutulungan ka nilang putulin ang sungay ng iyong bully classmate.
Wag lang mawalan ng pag asa napakaraming solusyon sa problema.pero lagi lana iisipin na ang lahat ay may dahilan.bago dapat tayo gumawa ng hakbang dapat alam natin ang dahilan ng bully mong classmate kung bakit nya ginagawa ang ganong bagay.baka nman pamilya ang problema nya.mainam kung bilang kaklase ay kausapin nyo sya.pero kung pag titrip lang ang nais nya,napakarami ring tao na maaari mong lapitan na tyak na makakatulong sayo.nandiyan ang mga guro,principal,at kahit ang guidance office ng inyong paaralan.kayo kayo lang din ang solusyon sa inyong problema.kailangan lang bukas ang iyong isipan sa mga problema.kaya naniniwala akong kakayanin mo yan.