Nawawalan ka na ba ng pag-asa sa mga pagsubok na dumarating sa iyong buhay?Yung mga bagay na hindi mo napagtatagumpayan?nakakatulog ka pa ba ng maayos sa kakaisip sa iyong mga problema?napagtutuunan mo pa ba ng pansin ang mga mahahalagang gawain mo sa buhay?Kung ganon eh, hindi ka pala pwedeng maging superhero tulad ng mga cast ng justice league o super noypi.



Wala naman tayong super strength na mabuhat ang mabibigat na problema, Mayroon naman tayong patience para makapaghintay na maayos ang lahat. Hindi natin kayang maging invisible para lang takasan ang mga bagay na dapat isino solve. "What is unseen is essential" hindi kailangang lahat ay nakikita dapat ay iniintindi muna. Hindi mo kailangan ng pakpak upang makapagmataas na ika'y nakakalipad , Bagkus kailangan mong magpakababa para sa kapatawaran. Hindi tayo binigyan ng pagsubok para indain lamang, binigay ito upang magkaroon ng kalinangan sa ating kakayahan.

Tuesday, August 17, 2010

BULLY TIME IS NOT A JOKE TIME ni jaymark santos


Isa ka ba sa mga estudyanteng bumababa ang grade sa school? Naiilang ka na bang makisama sa mga kaklase mo? Umuuwi ka ba sa bahay ng luhaan,at kung minsan ay hindi makatulog sa gabi sa sobrang takot.
Maaaring biktima ka…
Umamin ka!!!may bully ka bang classmate?
Napaka hirap magkaroon ng bully classmate lalo’t kung ikaw ang madalas nyang pag-tripan.para bang araw-araw na pag-pasok mo ay isang sumpa.paano naman,madalas kang nawawalan ng baon dahil pilit nya itong kukunin sayo.uutusan ka nga na napakaraming Gawain.pag nasunod mo ang utos nya may kasamang batok ang kanyang pasasalamat,at kung hindi naman ,ihanda mo ang iyong sarili sa malakas na suntok sa iyong sikmura.minsan,di pa nakokontento,ipapahiya ka pa nya sa maraming tao.pero wala kang magawa dahil wala kang laban sa laki ng katawan nya.kayang ang iba mas pinipili nalang mag-hinto para makaiwas sa bully nyang classmate
Kaibigan…tama na ang pag-dadrama.kung gugustuhin mo napakaraming paraan para matigil na ang kasamaan ng billy mong classmate.
MAG ASTIG-ASTIGAN:
Kung pisikalan lang din naman ang pag-uusapan,tyak na dihado ka sa bully mong classmate.pero baka naman kaya mo pang iimprove yung porma mo.konteng porma lang yan! Kumbaga baka makuha sya sa tingin.
MAKISAMA SA TAONG MUKANG PALABAN:
May mga tao na kaya kang ipagtanggol kapag nag-simula nang mag-hasik ng lagim ang iyong bully classmate.sinong nakakaalam?dahil sa paraang ito hindi ka na lapitan ng iyong bully classmate dahil may tinatago pala syang kaduwagan.
SUMIPSIP KA NALANG SA IYONG BULLY CLASSMATE:
Kung ikaw naman ay sobrang desperado na dahil ikaw ang madalas mabiktima.talino at yaman lang yan.araw-arw pakopyahin mo sya ng assignment.at pag katapos dalhin mo sya sa pinaka malapit na kainan.atleast mawawala na ang sakit mo sa katawan.pero kung hindi mo naman afford,naku problema nya yan.
SUMBUNGAN TIME NALANG:
Kung nawawalan ka na ng pag asa isa nalang ang paraan,ipaalam mo nalang sa magulang mo ang problema tungkol sa bully mong classmate.pero kadalasan naman ayaw mag salita ng mga estudyante tungkol sa ganitong usapin.una,maaaring pinagbabantaan sya ng bully nyang classmate.pangalawa,ayaw nyang mapahiya sa kanyang mga kaklase lalo na kung ang magulang mo ay mala tigre kung magalit .ayaw nyang Makita ng kaklase nya ang kabagsikan ng magulang nya dahil sa sobrang galit sa bully mong classmate.pero atleast matutulungan ka nilang putulin ang sungay ng iyong bully classmate.
Wag lang mawalan ng pag asa napakaraming solusyon sa problema.pero lagi lana iisipin na ang lahat ay may dahilan.bago dapat tayo gumawa ng hakbang dapat alam natin ang dahilan ng bully mong classmate kung bakit nya ginagawa ang ganong bagay.baka nman pamilya ang problema nya.mainam kung bilang kaklase ay kausapin nyo sya.pero kung pag titrip lang ang nais nya,napakarami ring tao na maaari mong lapitan na tyak na makakatulong sayo.nandiyan ang mga guro,principal,at kahit ang guidance office ng inyong paaralan.kayo kayo lang din ang solusyon sa inyong problema.kailangan lang bukas ang iyong isipan sa mga problema.kaya naniniwala akong kakayanin mo yan.

No comments:

Post a Comment