
Kaya ba ng powers mo ang mga flirt na girlfriend?
Ano nga ba ang flirt o sa ibang salita ay landi o paglalandi? Ano ba ang naiisip mo kapag naririnig mo ang salitang ito? Karamihan sa atin ay negatibo agad ang pumapasok sa isip kapag naririnig natin ang mga salitang iyon.
Ang “flirting” o “pakikipaglandian” sa ibang salita ay nangangahulugang uri ng interaksyon sa pagitan nang dalawang taong may pagtingin sa isa’t isa o kaya ay isang uri ng istilo para bumalik ang init sa mga nanlalamig na relasyon ng mga mag-asawa o magkasintahan. Ngunit sa panahon natin ngayon, maraming tao ang ginagamit ito sa maling paraan o para lamang sa pansariling pangangailangan.
Maaring ang mga layunin na ito ay para lang sa tawag ng laman o para mangolekta lamang ng boyfriend/girlfriend. Akala yata nila eh makokolekta nila ang lahat ng lalake/babae dito sa sanlibutan. Isa pa rito na dahilan ay maaring desperado/desperado lang ang mga taong gumagawa nito at likas nang may taglay na kalandian sa katawan, yung tipong hindi makukuntento sa kung anung mayroon sila, yung kahit may bf/gf na sila ay lumalandi pa rin sa iba. Maari din naman na nagkakaroon lamang nang hindi pagkakaintindihan, dahil siguro ay likas nang malambing ang taon at masyado lang binibigyang kahulugan kaya ang iniisip na nila ay nilalandi sila.
Sus! Wala naming masama sa flirting eh! Basta ba walang nasasagasaan o na aagrabyadong iba. At hindi mo ba naisip na na maaring ikaw mismo na ipinanganak dito sa mundo ay bunga lang nang isang relasyon na nagsimula sa simpleng flirting ng mga magulang mo? Ah! Basta ang alam ko malakas talaga ang epekto ng flirting, kaya mga iho at iha, use it with caution din!
No comments:
Post a Comment