
Si Alejandro ay ang pinakapasaway sa aming magkakapatid. ‘Di lang pasaway, ngunit marami pa. Hindi lang ako kung ‘di lahat ng miyembro ng pamilya namin ay siya ang itinuturing sakit sa ulo, “ Black Sheep of the Family” siya kung tawagin sa bahay, eskwelahan man, simbahan, sa pamilya man o barkada. ‘Di ko alam ang tunay na dahilan niya bakit gano’n na lamang ang asta ng kanyang ugali, paraan lang ba niya ito para siya ay mabigyan ng pansin o natural na lang sa kanya ang pagiging sobrang pasaway niya.
Tama ba namang batukan si Mrs. Kulangkulang at sabihan ng: “Bobo, tanga, inutil mag-resign ka na! Kulangkulang ka nga talaga. Ako na papalit sa’yo.” Natural lang na magalit si Mrs. Kulangkulang kaya yun binagsak niya kapatid ko sa grade 6. Di tuloy siya nakapag-graduate at tuluyan ng napag-iwanan ng kanyang mga kaklase. Sa bahay naman, nakaugalian na niyang gumising ng tanghali, kakain, at muling bumalik sa kanyang higaan upang matulog ulit, kung gising man at wala sa kama sigurado makikita mo siya sa sala habang nanonood ng telebisyon habang nag-tetext at nag-yoyosi na parang walang problema sa buhay. Ang nakakasira pa ng ulo e yung yosing hinihithit niya sa tatay naming na limit lang kung mag-yosi. Minsan ko na nga siyang nahuling nangungupit sa ng 1000 sa wallet ni nanay eh ang sabi niya pang-yosi lang. Siyempre tanga lang ang maniniwala na pang-yosi lang iyon, dahil sa likod niya ay isang malaking bag na puno ng damit. Aba! Magsu-swimming pala kasama ang girlfriend niya. Bilang ate, ‘di ko talaga pinaglagpas ang kalokohan niyang yun. Sinumbong ko siya kay nanay, kaya yun nabigyan ng aral pero paglipas ng ilang araw eh balik na naman siya sa dati. Ang pagtulong naman sa mga gawaing bahay ay ang gawain na ni minsan ay di nya naisipan sa halip mas gugustuhin nyang tumambay sa may bilyaran na harap lang ng aming bahay kasama ang kanyang mga barkada na ginagawa nyang mga alipin at siya naman ang hari. Tuwing linggo naman, lahat kami magkakapamilya ay nagsisimba kasama ang kapatid kong sobrang pasaway. Pag-upo na pag-upo namin ay makikita mo siyang tingin ng tingin sa mga taong nagdadaan sa gilid ng simbahan, na parang di mapakali. Wala pang labing-limang minuto ang makakalipas, siguradong lalabas si Alejandro upang mag-yosi o dili naman kaya ay makikipag-meet sa katextmate niya.
It breaks my heart na ganito ang nangyayari sa kapatid ko, naging pabaya ba ang mga magulangat kapamilya naming sa kanya? Ang hirap kasi sa buhay ngayon, masyado ng modernisado.
No comments:
Post a Comment