
Madalas ka bang bungangaan ng nanay mo? Lagi na lang pasigaw makipagusap? Parang armalite ang bibig? Walang duda, nagger si nanay!
Ano nga ba ang nagger? Ito'y salitang Ingles na ang kahulugan ay nakakairita, sunod-sunod na sermon o reklamo. Isa itong ugali na natural na sa ta. Maari itong namana, nagaya, o di kaya dala ng bugso ng damdamin.
Masasabing nakakainis ang taong my ganitong ugali dahil wala naman itong naidudulot na maganda. Sa katunayan, lagi itong humahantong sa
away o samaan ng loob.
"Hinayupak kang bata ka, anung oras na? Nakahiga ka pa dyan! Batugan ka! Tanghali na!" ilan lang ito sa mmga linya ng nagger nanay. Talak sa umaga, tanghali, at gabi. Kung minsan pa nga ay kahit maliit na bagay ay pinupuna. At kung mamalasin, may kasama pa itong palo o batok sa ulo.
Mahirap talaga kung ito ang sasalubong sa iyong umaga.Stress ka nanga sa problema, dagdagan pa ang ganitong eksena. Ngunit naisip mo bang may kasalanan din tayo kung bakit sila ganito? Sabi nga nila, "we only get what we deserve". Kumbaga tayo din ang nagudyok para gawin nila ito. Sa makatuwid, walang gulo kung wala naman dahilan para guluhin ka.
Ngayong nabasa mo ito, nakarelate ka ba? Isa ka rin bang nagger katulad ni nanay o biktima lang nito? Alin ka man sa dalawaay dapat sigurong magsuri ka at alamin mo ang sanhi at epekto nito sa iba. Dahil hindi habang panahon kaya kang unawain ng mga tao sa paligid mo.
No comments:
Post a Comment