Nawawalan ka na ba ng pag-asa sa mga pagsubok na dumarating sa iyong buhay?Yung mga bagay na hindi mo napagtatagumpayan?nakakatulog ka pa ba ng maayos sa kakaisip sa iyong mga problema?napagtutuunan mo pa ba ng pansin ang mga mahahalagang gawain mo sa buhay?Kung ganon eh, hindi ka pala pwedeng maging superhero tulad ng mga cast ng justice league o super noypi.



Wala naman tayong super strength na mabuhat ang mabibigat na problema, Mayroon naman tayong patience para makapaghintay na maayos ang lahat. Hindi natin kayang maging invisible para lang takasan ang mga bagay na dapat isino solve. "What is unseen is essential" hindi kailangang lahat ay nakikita dapat ay iniintindi muna. Hindi mo kailangan ng pakpak upang makapagmataas na ika'y nakakalipad , Bagkus kailangan mong magpakababa para sa kapatawaran. Hindi tayo binigyan ng pagsubok para indain lamang, binigay ito upang magkaroon ng kalinangan sa ating kakayahan.

Tuesday, August 17, 2010

SI BOSSING ANG KING ni marjorie duenas


Naranasan mo na bang mairita dahil sa utos dito, Utos doon ng iyong kamag-aral? Nabibingi ka na ba sa boses nilang parang hari? Naiinis ka na ba sa kanilang ugali? Alam niyo ba ang tawag sa kanila? Sila ang mga “Bossy Classmates”. Kilala din sila sa tawag na “hari ng klase”.

May iba’t ibang katangian ang mga bossy, Isa na dito ang paghahariharian nila sa klase. “Kung ano ang utos ay siyang dapat na masunod”,ito ang kanilang batas. Kung ano ang salita, Kung ano ang kanilang hiling, gusto o nais ay dapat na masunod at walang pwedeng kumontra.

Sila ay may palautos din na katangian. Kahit mga simpleng gawain lamang ay iniaasa pa sa iba. Halimbawa na lamang ay ang pag-uutos sa paggawa ng mga bagay na dapat ay sila ang gumagawa tulad ng mga takdang aralin at mga proyekto. Kadalasan ito ay humahantong na sa pang-aabuso, na halos lahat na ng bagay ay ipapagawa sa isang dakilang P.A (personal alalay/ alipin).

Ang pagiging “Papansin” ay isa pa sa karateridad ng isang hari. Ang nais nila ay lagi silang prayoridad ng bawat kamag-aral nito. Feeling naman!! Mala-Justin Bieber daw ba??? Sumasangkot sa anumang usapin sa loob at labas ng klase (chismosa ang drama). Inaalam din niya ang mga isyu mabuti man o hindi (kina-career ang pag-iinterview). Parang hari na dapat updated sa kanyang nasasakupan.

Siya (hari), Kung minsan ay umaabot din sa pagka-bayolente o kung hindi man ay pagalit ang salita at minsan nakapagsasabi pa ito ng mga salitang ‘di kanaisnais. Marahil ito ay dahil sa hindi mapagbigyan ang mga nais ay agad itong nagagalit.

Kung mapapansin niyo, Madalas ang mga mahihinang klase ng mga P.A ang pinagdidiskitahan ng mga hari ng klase. Alam naman kasi niya na walang magagawa ang isang alipin. Paraan din ito upang makuha niya ang kanyang mga gusto ng walang hirap. Hindi rin naman makakatanggi ang isang utusan sa isang amo. Ano nga bang magagawa niya???? Hindi ba’t wala????

Marami sa kanila (hari) ay kinaiinisan ng mga nasa paligid nila. Ito ay dahil na rin sa mga gawain nilang hindi katanggap tanggap. Gayunman, wala pa rin tayong magagawa sapagkat iyon ang kanilang personalidad. Mahirap ng baguhin ang isang HARI. Siya lang ang Bossing ang King!! Ikaw? Isa ka ba sa kanila? o isa ka sa mga alipin nila?

No comments:

Post a Comment